Ana səhifə

Online na social networking


Yüklə 28.91 Kb.
tarix14.06.2016
ölçüsü28.91 Kb.

ONLINE NA SOCIAL NETWORKING

Ang online na social networking, o ang paggamit ng mga serbisyo sa web upang makakonekta at makisalamuha sa mga tao tungkol sa ibinahaging mga aktibidad o interes, ay maaaring isang mahusay na paraan upang magtaguyod ng mga kinawiwilihan, makapagtatag at madagdagan ang umiiral na mga pagkakaibigan, maglaro, at magbahagi ng mga ideya.


Habang maraming mga pakinabang ang pakikisalamuha nang online, ang pagpa-publish ng sobrang personal na impormasyon sa online na personal na profile, blog, o kahit chat, ay maaaring delikado.
Upang mabawasan ang iyong peligro sa online:


  • Kontrolin kung sino ang may access sa iyong impormasyon

  • Isiping mabuti bago mo ipamigay ang iyong personal na impormasyon (tulad ng iyong pangalan, edad o email o postal address) o ang iyong mga detalyeng pampinansyal (lalo na ang mga detalye ng iyong credit card o bank account)

  • I-set up at lagyan ng tsek ang mga setting ng online na pagkapribado at pangseguridad kapag lumikha ka ng personal na profile upang tiyak na alam mo kung sino ang maaaring maka-access ng iyong impormasyon

  • Alamin kung saan ka maaaring pumunta para sa tulong kung mapahamak ka o may mangyaring mali.

Ang pagiging padalus-dalos sa online ay maaaring magdulot ng pagkasira sa reputasyon mula sa hindi sinasadyang paggamit ng iyong personal na impormasyon o maging biktima ng panloloko, pagnanakaw sa pagkakakilanlan, mga scam, spam na mga mensahe sa email at panggigipit (na kasama ang pag-cyberstalk at pag-cyberbully) at hindi sinsadyang pag-install ng nakahahamak na software (malware) sa iyong computer.



Pagkasira sa reputasyon

Ang impormasyon o mga larawang naka-post sa online na profile, blog o website ay maaaring magamit o magamit sa ibang paraan upang pahiyain ka at sirain ang iyong reputasyon. May mga kasong nangyari na kung saan ginamit ng mga empleyado ang mga profile na bukas na publiko upang makapagpaalis ng kawani at ginamit ng mga manglilitis ang impormasyon sa mga profile upang maipanalo ang kanilang mga kaso sa korte.


Maaari mong mabawasan ang mga peligro sa pamamagitan ng paggawa ng ilang mga hakbang:


  • Gumamit ng mga tool na pangseguridad at para pagkapribado na magagamit sa lahat ng mapagkakatiwalaang mga site ng social networking upang maitakdang ‘pribado’ ang iyong profile.

  • Huwag isama ang anumang bagay sa iyong profile na ayaw mong malaman ng buong mundo tungkol sa iyo.

  • Subaybayan ang iyong impormasyon at alamin kung paano maaalis ang personal na impormasyon at mga imaheng hindi ka nasisiyahan.

  • Tandaang ang anumang impormasyong magagamit tungkol sa iyo ng online ay posibleng nandoon na magpakailanman. Maaari mong tingnan kung anong impormasyon tungkol sa iyo ang bukas sa publiko sa online sa pamamagitan ng pag-type ng sarili mong pangalan sa search engine.



Online na Panloloko at Pagnanakaw ng Pagkakakilanlan

Mas maraming impormasyon ang ibinigay mo nang online, kasama ang mga profile, larawan, pag-post, at live na pakikipag-chat sa social networking, mas madali para sa mga kriminal na magamit ang iyong mga detalye upang manakaw ang iyong pera o pagkakakilanlan.


Limitahan ang personal na impormasyon (tulad ng mga kaarawan, buong pangalan o apelyido) na iyong binabahagi nang online at bago mag-publish ng anuman sa iyong personal na impormasyon, tiyaking:


  • Makokontrol mo kung sino ang maaaring makakita nito.

  • Gumamit ka ng mapagkakatiwalaang mga site.

Palaging tandang ang mga online na contact at kuneksyon ay maaaring taliwas sa sinasabi nila.




Mga Scam
Ang sinuman ay maaaring maging biktima sa mga kriminal na nagpapanggap upang makapagnakaw ng pera. Gumagana ang mga scam dahil nag-aalok ang mga ito ng mga bagay na gusto ng mga tao (tulad ng bakasyon, madaling pagkakitaan o date) nang hindi napapagod o nananakot sila ng mga tao sa paniniwalang mawawalan sila ng pera kapag hindi sila tumugon.
Ang mga kahilingan para sa personal at pampinansyang impormasyon at mga alok ng mga bagay o premyo ay maaaring manggaling sa mga taong hindi kakilala o palabasing ang mga kahilingan ay galing mula sa ‘mga kaibigan.’
Kapag gumagamit ng mga online na site ng social networking, huwag tumugon sa mga kahilingang hindi inaasahan para sa personal o pampinansyang impormasyon. Ipaalam sa iyong pampinansyang institusyon o isumbong sila sa SCAMwatch.
Maaari mong malaman ang higit pa tungkol sa karaniwang mga scam at isumbong ang mga scam sa www.scamwatch.gov.au o sa pamamagitan ng pagtawag sa 1300 302 502.

Spam

Ang spam ay isang electronic ‘junk mail’ – hindi kinakailangang mga mensahe, nag-a-advertise ng mga produkto at serbisyo, na ipinadadala sa iyong email address o mobile phone.


Ang ilang mga spam ay nagsusulong ng produkto o inaanyayahan kang bumisita ng website. Ang ibang spam ay sinusubukang i-scam o lokohin ka sa pag-i-invest sa madayang mga iskema o paghayag ng iyong mga detalye ng bank account o credit card.
Ang electronic na mensahe ay spam kung:


  • Hindi ito hiningi o ipinadala nang walang pahintulot mo.

  • Hindi ito naglalaman ng tumpak na impormasyon tungkol sa nagpadala ng mensahe.

  • Hindi ito nagbigay ng paraan upang mag-unsubscribe mula sa pagtanggap ng marami pang mga mensahe o wala itong pagkilos para sa kahilingang mag-unsubscribe sa loob ng limang araw ng trabaho.

Upang maiwasan ang spam:




  • Suriin kung ang iyong tagapagbigay serbisyo ng internet ay may serbisyong nagfi-filter ng spam.

  • Gumamit ng software sa pagfi-filter ng spam.

  • Unawain kung paano gagamitin ang iyong email address bago ito ibigay ng online

  • Tingnan ang mga tuntunin at kundisyon ng anumang sina-sign up mo. Pinapayagan mo ba upang makatanggap ng mga pang-komersyong electronic na mensahe?

  • Huwag tumugon kung mukhang nakakapagduda ang email. Huwag kailanman mag-click sa mga link sa mga spam na email o bumili ng mga produkto o serbisyo na in-advertise ng spam dahil ang karamihan ay madaya.

  • Kung hindi ka nakakatiyak kung ang nagpadala ng mensahe ay tunay, makipag-ugnay sa SCAMwatch .

  • Kung kilala mo ang nagpadala ng mensahe at ayaw mong makatanggap ng karagdagang email, gamitin ang pamamaraang i-unsubscribe.

  • Kung makatanggap ka ng pangkomersyo na electronic na mensahe sa iyong mobile phone, tumugon ng ‘IHINTO’.

Para sa higit pang impormasyon kaugnay ng spam, kasama ang mga madalas itanong o upang magsumbong o gumawa ng mga reklamo tungkol sa spam bisitahin ang www.spam.acma.gov.au .



Panggigipit

Kapag ang iyong online na personal na impormasyon ay pampublikong magagamit, maaaring gamitin ito ng mga tao upang makahanap ng mga paraan upang magipit ka o pagbantaan ka. Maaaring kilala mo ang mga tao o maaaring hindi kilala.


Ang iyong pinakamahusay na proteksyon laban sa panggigipit sa online ay ang kontrolin kung sino ang maaaring maka-access ng iyong online na impormasyon sa iyong profile ng social networking.
Palaging panatilihing pribado ang iyong pisikal na address at lokasyon. Isiping mabuti ang tungkol sa pagpa-publish ng mga pangalan, mga larawang nagpapakita ng mga plaka ng lisensya ng kotse, pangalan ng kalye at lugar na madalas mong pinupuntahan na maaaring maging maiugnay sa iyo.

Malware


Ang malware, o nakakahamak na software, ay uri ng computer program na nag-i-install ng sarili nito sa iyong computer nang hindi mo alam. Ang program ay idinisenyo upang makakolekta ng sensitibong impormasyon na nakalagay sa iyong computer, tulad ng iyong online na banking password o mga detalye ng credit card. Gagamitin nito ang iyong koneksyon sa internet upang maipadala ang impormasyong ito sa mga criminal na ginagamit ito upang makapagnakaw mula sa iyong bank account o makapagsagawa ng pandaraya.


Ang malware ay madalas na na-i-install sa pamamagitan ng pagda-download ng mga file mula sa mga hindi naka-secure na mapagkukunan o pag-click sa mga link ng web sa mga email o mga imbitasyon na hindi sinasadyang makapunta sa mga website na naglalaman ng mga computer virus o nakakahamak na nilalaman. Tumataas ang peligro ng pagda-download ng malware sa computer na iyong ginagamit kung nagbigay ka ng mga detalye sa hindi secure na online na kapaligiran (tulad ng pampublikong computer o hindi secure na wireless na kuneksyon).
Upang mapababa ang mga peligro ng pagda-download ng malware, tiyaking:


  • Nilalagyan mo ng tsek ang mga setting sa pagkapribado ng iyong online na social networking. Ang ibig sabihin ng bukas na personal na profile na online ay maaaring magawa ng mga taong hindi kakilala na mag-post ng mga file sa iyong profile o mga link sa nakakahamak na nilalaman.

  • Huwag kang magbubukas ng mga kalakip o mag-click sa mga link sa mga email maliban kung alam mong nanggaling ang mga ito mula sa pinagkakatiwalaang mapagkukunan. Kung hindi ka sigurado, huwag mong buksan ang email hanggang sa masuri mo ang pinaggalingan

  • Nag-iingat ka kapag nagbibigay ng pahintulot para sa mga bagong application ng social networking.

  • Hindi ka mag-ki-click sa mga link sa mga pop-up window o sa mga website na hindi ka sigurado na mapagkakatiwalaan. Maaaring i-redirect ka ng mga ito sa website na awtomatikong nag-a-upload ng malware

  • Tinitiyak mong ang iyong computer ay protektado ng aktibong firewall at anti-virus software dahil maaaring hindi kasama ito noong binili mo ang iyong computer.

  • Makausap mo ang iyong tagapagbigay ng serbisyo ng internet tungkol sa kung ano ang magagawa o maaaring magawa upang ma-secure ang koneksyon ng iyong internet.

  • Isaalang-alang ang paggamit ng hiwalay na email account para sa hindi gaanong importanteng mga email, katulad ng mga email mula sa iyong suskrisyon sa mga marketing at tagapagbigay ng impormasyon. Ito ay makakatulong sa iyo na mapanatili ang integridad ng iyong pangunahing email account.



Pagbabantay sa mga batang naka-online

Responsable ang mga gumagamit ng internet sa dami ng impormasyong inilalahad nila online. Karamihan sa naka-publish na impormasyon sa online ay magagamit para matingnan ng lahat at maaaring mahirap na alisin. Maaari rin itong magamit para sa mga layuning maaaring hindi nilayon para rito.


Kung sumusubaybay ka ng mga batang gumagamit ng internet, maaari mo silang matulungang manatiling ligtas sa online sa pamamagitan ng pagpapaalala sa kanila ng mga sumusunod na simpleng hakbang:


  • Huwag magbahagi ng mga password, kahit na gaano nila pinagkakatiwalaan ang kanilang mga kaibigan.

  • Gumamit ng mahirap na mga password na may kumbinasyon ng mga titik at numero, hindi isang bagay na madaling mahulaan, tulad ng pangalan ng alaga o paboritong mang-aawit.

  • Huwag i-publish ang kanilang mga personal na detalye o ng sa mga kaibigan nila, tulad ng mga pangalan, edad, mga detalye ng paaralan, mga email address o mga numero ng telepono sa mga site ng social networking (kasama ang mga profile).

  • Huwag i-publish ang hindi naaangkop na mga larawan ng kanilang mga sarili o ng kahit sino at humingi ng pahintulot bago magsulat tungkol sa ibang tao o i-publish ang kanilang larawan.

  • Huwag tumugon sa mga hindi disenteng mga mensahe sa email (ngunit magtago ng kopya ng mga ito sakaling kailanganin ang mga ito kung magkaproblema).

  • Harangan ang mga nagpapadala ng hindi naaangkop o hindi magandang mga mensahe o tanggalin ang tao kung sila ay nasa listahan ng contact.

  • Huwag ibigay ang kanilang numero ng mobile sa mga tao na hindi nila kakilala o pinagkakatiwalaan.

  • I-save ang lahat ng mga hindi disenteng mensahe sa kanilang mga email account o mga mobile phone bilang ebidensya at ipakita sa nakakatanda.

Makipag-ugnay sa kumpanya ng telekomunikasyon upang maharangan ang problemadong mga numero sa iyong serbisyong mobile.


Para sa tulong at payo tungkol sa kaligtasan ng mga bata sa online, makipag-ugnay sa Cybersafety Contact Centre – 1800 880176 o sa Kids Line sa 1800 551800.
Para sa higit pang detalyadong impormasyon sa pagtulong sa pananatiling ligtas ng mga bata sa online bisitahin ang site ng ACMA sa www.acma.gov.au at sa site ng Cybersafety sa www.cybersmart.gov.au .

Saan pupunta para sa tulong


Ang karamihan ng mga site ng social networking ay mayroong impormasyon at mga tool sa kung paano iulat ang mga problema at matulungan ang mga gumagamit na makontrol ang sinumang maaaring mag-access ng kanilang impormasyon. Tingnan ang mga ito kapag nag-sign up ka at tiyaking panatiliing napapanahon ang mga setting ng seguridad at pagkapribado.

Iulat ang anumang kriminal na aktibidad sa pulis sa iyong estado o teritoryo.



ACCC www.accc.gov.au

Para sa payo sa mga scam at kung paano iulat ang mga ito, makipag-ugnay sa Australian Competition and Consumer Commission (ACCC) o tumawag sa SCAMwatch sa 1300 302 502.


ACMA www.acma.gov.au

Gayundin ang impormasyon sa kung paano mo matutulungan na manatiling ligtas sa online ang mga bata, ang Australian Communications and Media Authority (ACMA) ay may internet hotline upang maiulat ang pinagbabawal na nilalaman sa www.acma.gov.au/hotline o tumawag sa 1800 880 176 . Mga reklamo tungkol sa spam (e-mail, instant na mga mensahe, SMS at MMS) ay maaaring magawa sa ACMA sa www.spam.acma.gov.au


ASIC www.asic.gov.au

Ang Australian Securities and Investments Commission (ASIC) ay nagsisiyasat ng mga scam na may kasangkot na mga produkto at serbisyong pampinansya kasama ang cold calling, mga scam sa pag-invest gamit ang telepono at ilegal na mga iskemang pamumuhunant.

Mga ahensya ng mga usaping pang-konsumer ng Estado at Teritoryo at patas na pakikipagkalakal:


NSW: Office of Fair Trading (OFT) www.fairtrading.nsw.gov.au

VIC: Consumer Affairs Victoria (CAV) www.consumer.vic.gov.au

QLD: Office of Fair Trading (OFT) www.fairtrading.qld.gov.au

NT: Consumer Affairs (Department of Justice) www.caba.nt.gov.au

SA: Office of Consumer & Business Affairs (OCBA) www.ocba.sa.gov.au

WA: Department of Consumer and Employment Protection (DOCEP) www.docep.wa.gov.au

Tasmania: Consumer Affairs and Fair Trading (CAFT) www.consumer.tas.gov.au

ACT: Office of Regulatory Services www.ors.act.gov.au



Pinoprotektahan at isinusulong ng mga ahensya ng mga usaping pang-konsumer ng Estado at Teritoryo at patas na pakikipagkalakal ang mga interes ng mga consumer sa pamamagitan ng pagbibigay ng payo at tulong, pagpapatupad ng mga batas ng consumer ng estado, pagsisiyasat ng mga reklamo, at paglutas ng mga hindi pagkakaunawaan.



Verilənlər bazası müəlliflik hüququ ilə müdafiə olunur ©kagiz.org 2016
rəhbərliyinə müraciət